You Know Erning...Life is a Blur
Tuesday, December 30, 2008
HIMYM on mistakes There are certain things in life where you know it's a mistake but you don't really know it's a mistake because the only way to know that it really is a mistake is to make that mistake and go, "Yup, that was a mistake". So really, the bigger mistake would be to not make the mistake because then you'll go about your whole life not knowing whether it was a mistake or not - Lily Aldrin
Here's the thing about mistakes. Sometimes, even when you know something's a mistake, you gotta make it anyway - Future Ted Mosby
Wednesday, January 21, 2009
Breaking Tradition
kids, sometimes in life, the planets align, everything links up and your timing is perfect...this wasnt one of those times - Ted Mosby
Ako si Estong
Sunday, February 12, 2006
Sunog mga kapatid! Halabira!
"Hindi dahil sa hindi ako napapaso ay ibig sabihin hindi ako nasusunog. Tao pa din ako, kahit ako tinatablan." - Estong
Ewan ko sa inyo. Bakit ako? Meron naman siguro diyang iba na kaya siya. Ayokong maging "sacrificial lamb", di ako papayag sa "suicide mission" na yan hangga't may ibang paraan. Alam ko kung sino sya, alam ko ang magagawa nya at alam ko din ang magagawa ko. Sa ngayon, tingin ko di pa oras para kumilos. Mahirap sumingit at makialam kahit may plano dahil minsan mas malakas ang hatak ng tadhana at swerte. Kahit gaano ka kahanda, pag di pa oras, walang mangyayari at kung meron man, malamang hindi ayon sa binabalak. Mahirap, maraming bagay na nakataya. Kaya kong makipaglaro sa apoy kasi alam ko kung hanggang saan ko kaya lumapit, alam ko kung kailan ako mapapaso. Ibang bagay ang masunog. Pag nagsimula ka na masunog sa apoy, pwede kang lamunin nito ng buo o paunti-unti. Paunti-unti man o buo, parehong masakit. Mahirap nang bumangon, minsan baka nga hindi ka na makabangon pa. Tama lang matakot sa apoy, pero ibang tanong na ang pagkontrol sa apoy, lalo na yung tipo na nagliliyab.
Sa ngayon, napapaisip ako, hanggang saan nga ba ang kaya ko? Kaya ko na bang kumain ng apoy? Baka ako pa ang kainin nito, mahirap na, minsan nakakalimot ako mag-ingat. Iniisip ko, marunong din bang masaktan ang apoy? Kung nabuhusan ba ito ng tubig, pareho kaya ang sakit na nararamdaman nito kapag ito ay nakakapaso ng iba? Saka, di naman ako tubig, isa din akong apoy, di nga lang kasing init, di lang nagliliyab tulad niya. Hindi ko sinusunog ang nasa paligid ko, at hindi ko din sila pinapaso, kasi hindi ko sila binibigyan ng pagkakataon makalapit. Kahit kaunting init, di nila mararamdaman, dahil may bakod ako na nakapaligid para siguradong tama lang ang layo nila, sapat para di nila malaman ang tinatagong anyo at pagkatao. Hindi naman talaga sikreto pero hindi din para sa kaalaman ng lahat ng tao. Pero kung apoy din ako, di ba ibig sabihin nun ay hindi ako masusunog? Di ko alam, di ko pa nasubukan makipag tagisan ng init sa isa pang apoy. Ang tingin ko, magiging isa ang dalawa, at pag nangyari yun, ang isa ang lalamon sa isa. Isang apoy lang ang maiiwan na nagbabaga, mawawala na ang pagkatao ng isa. Malamang ayoko na ako ang malamon. At ayaw ko din syang mawala. Ewan, mahirap. Kaya siguro mas tingin ko dapat lang magkaroon ng distansya.
Sa ngayon, may naisip akong paraan para makampante ang iba. Kung ano man iyon, sa akin na lang iyon. Malalaman na lang pag kinailangan ng isagawa. Hindi nila kailangan mangamba, pwede nilang kalimutan ang takot sa ngayon. Ako ay magbabantay na lang, siguraduhing wala syang masunog. Hindi ko sya susubukan gawing maamo, di bagay sa kanya. Sa ngayon, tatalasan ko na lang ang aking pakiramdam, bubuksan ang aking mga mata, upang makasigurado na wala syang magawang masama o anumang bagay na makakasira sa kanya.
Tuesday, February 27, 2007
Ewan Ko Ba
haay, estong ang tanga mo talaga. yan na lang lagi ang sabi nila. bakit? lagi ko na lang kasi pinapalampas ang mga bagay na dapat ay di ko na pinakakawalan. nasa harap ko na daw, ang gagawin ko lang ay abutin, at akin na akin na. pero yun nga ang problema. minsan sobrang gusto mo ang isang bagay, parang nabubulag ka na. kaya minsan nagdududa kung ano ba dapat ang gawin. minsan naman, aabutin mo na nga lang, napapaisip pa, oras na ba? gusto ko ba talaga?
kaya ako nagmumukhang engot. kasi nag-iisip ako. nagdadalawang isip ako, gusto ko makasiguro. kahit alam ko na nasa harap ko na ang matagal ko na hinahanap, nakukuha ko pang itanong kung ito ba talaga ang gusto ko mangyari. ayun na eh, ano pa hinihintay ko? totoo bang ito ang gusto ko? kasi ayoko magsisi pagkatapos. pero pano kung yun na nga yun at pinakawalan ko pa, di ba magsisisi din ako? ewan. takot lang ba ako? may tinatakasan? ewan.
sa tuwing ginagawa ko yun, tuwing pinapalampas ko ang pagkakataon, lagi namang tama ang desisyon. nalalaman ko paglipas ng panahon, na kung kinuha ko noon ang pagkakataon, hindi din magtatagal at malalagay ako sa sitwasyong walang pinagkaiba sa sitwasyon ko ngayon. pero kahit ganun kahit papaano naging masaya ako kung di ko pinalampas. tama, pero naging mas miserable din. tipong mas matinding saya at lungkot ang dulot ng pagkakataong yun. kaya kahit papaano, sa pananaw ko, pantay lang. walang dapat pagsisisihan. ganun nga ba? o sinasabi ko lang yun para wag sumama ang loob ko? di ko alam.